February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Rufa Mae, naiyak na 'Go, Go, Growing' na ang anak na si Athena

Rufa Mae, naiyak na 'Go, Go, Growing' na ang anak na si Athena
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (IG)

May makabagbag-damdaming mensahe ang Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto para sa nalalapit na birthday ng kaniyang anak na si Athena, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.

Sa Pebrero 17 ay 8 taong gulang na ang anak, at hindi raw mapigilan ni Rufa Mae na maiyak dahil sa bilis ng paglaki ng anak nila ni Trevor Magallanes.

"Sweet child O’ Mine!"

"Happy Valentine’s Day!"

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

"Happy weekend !"

"Happy 8th birthday ," sey ni Rufa Mae.

"In 2 days birthday mo na…. Surprise !"

"Nakaka iyak pala makita na …"

"GO GO GROWING up na you!"

"Pray pray , wish wish!"

"Dapat matalino na ako , Gagalingan ko pa Lalo ang pag aruga sa inosenteng nilalang ko sa Mundong ito!"

"In short wag na ako mang damay ng 'Sweet child of mine'!"

"Here she Go go Grow!"

"Mahal na mahal kita."

"My Innocent baby girl Athena !" saad pa ni Rufa Mae.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang hiwalayan nina Rufa Mae at Trevor na sinabayan pa ng pagkakasangkot ng comedy star sa isyu ng isang inevestment, na naging dahilan para maisyuhan siya ng arrest warrant ng National Bureau of Investigation (NBI) subalit naasikaso naman niya ang piyansa at kusang sumuko sa mga awtoridad.

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto, naniniwalang walang ibang babae si Trevor Magallanes

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto, nagsalita na sa relasyon nila ng non-showbiz husband

Pero giit ni Rufa Mae, wala siyang kinalaman sa inirereklamong "Dermacare" dahil isa lang siyang endorser, at nangakong lilinisin niya ang kaniyang pangalan.

MAKI-BALITA: Go, go, go laban na 'to! Problema, kusang sumusuko kay Rufa Mae Quinto

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto umuwi ng Pinas, sumuko sa NBI

MAKI-BALITA: Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'