February 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

PBBM, may pinatutsadahan? 'Ang iniisip nila, kaisa-isang solusyon ay pumatay pa ng Pilipino?'

PBBM, may pinatutsadahan? 'Ang iniisip nila, kaisa-isang solusyon ay pumatay pa ng Pilipino?'
Photo ocurtesy: screenshot from RTVM and House of Representatives/Facebook

Hindi pinalampas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang naging pahayg ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa naging pahaging nito sa umano’y balak na pagpatay sa 15 senador.

Sa kasagsagan ng campaign rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na ginanap sa Davao del Norte noong Sabado, Pebrero 15, 2025, tahasang sumagot si PBBM hinggil sa naging pahayag ni FPRRD.

“Nakikita natin yung ibang partido… Nagugulat sila, natatakot yata sila sa inyo eh. Dahil ‘pag ka nakita ang lineup ng Alyansa, eh kung ano-ano na sinasabi. Eh narinig lang natin noong isang araw, sabi nila ‘wala silang pag-asa’ kaya papaty na lang sila ng 15 senador! Sabagay, mahirap naman ‘pag ka ibang tao ang iniisip lang nila kaisa-isang solusyon sa lahat ng problema ay pumatay pa ng Pilipino. Nakakapagtaka, kung bakit ganoon?” anang Pangulo. 

Matatandaang nagbigay ng pahaging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kasalukuyang mga senador para raw magkaroon ng puwesto sa Senado ang walo niyang senatorial candidates sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Sen. Bato: 'Matibay ang Bato, Hindi matitibag ang Bato!'

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’