Nagpahayag ng suporta ang Partido Pederal ng Maharlika (PPM) sa ilang senatorial candidates mula Alyansa para sa Bagong Pilipinas at PDP Laban.
Anim na kandidato mula sa PDP-laban ang napili ng PPM, habang apat naman ang mula sa Alyansa at dalawa ang independent candidates. Narito ang listahan ng senatorial aspirants na pormal na inendorso ng PPM:
Atty. Vic Rodriguez (PDP-Laban)
SeN. Christopher ''Bong'' Go (PDP-Laban)
SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta (PDP-Laban)
Jayvee Hinlo (PDP-Laban)
Senator Ronald ''Bato'' dela Rosa (PDP-Laban)
Philip Salvador (PDP-Laban)
Senator Imee Marcos (Alyansa)
former Senator Vicente "Tito'' Sotto III (Alyansa)
former Senator Panfilo Lacson (Alyansa)
Sen. Francis Tolentino (Alyansa)
Joey Montemayor (Independent)
former Senator Gringo Honasan (Independent)
Ayon kay dating Labor Secretary at PPM national president Silvestre Bello III, sinala umano nila ang naturang 12 senador batay sa kanilang kwalipikasyon.
“Ang pagpili namin sa mga kandidato na iboboto namin ay based on their qualifications… Ano ang track record nila? Hindi dahil sila ay pinili, o sila ay sa kabilang partido. Sila ay pinili namin iboto dahil sa kanilang magandang track record as public servant,” ani Bello sa media.