May mensahe ang misis ng OPM icon Freddie Aguilar na si Jovie Gatdula Albao para sa mga "tsismosa" na nakiki-tsismis daw sa buhay niya.
Sa Facebook post ni Jovie noong Pebrero 12, muling ibinahagi ni Jovie ang lumang larawan nila ng mister na si Ka Freddie habang sila ay kumakain sa isang restaurant.
Sa ilalim nito, isang basher ang nag-iwan ng komento noon patungkol sa kanilang dalawa.
"Yung hinihintay ka nalang nyang mategi," mababasa sa komento ng netizen na ang profile photo ay kandila, na kagaya ng profile photo ng mga nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Bagay na hindi naman pinalagpas ni Jovie.
"Mas nauna ka pa tuloy, mamatayan. Di mo unahin magluksa. Hays."
Muli itong ibinahagi ni Jovie sa kaniyang Facebook post at tila may mensahe sa mga nakiki-tsismis sa kaniyang buhay.
"Nagva-viral na naman tong post ni Freddie 3 years ago. Kaya pala dami na namang new followers. Nakiki-tsismis sa buhay ko. Diyosko kayo! HAHAHAHA pag katulad kayo ni Arvy, dapat alam nyo priority nyo ha. Buhay nyo muna bago buhay ng iba. Hays! " aniya.
Matatandaang naging isyu noon ang relasyon nina Ka Freddie at Jovie dahil sa "May-December affair" o agwat ng kanilang edad.