Nagbigay ng update ang kaibigang journalist ni Queen of All Media Kris Aquino na si Dindo Balares patungkol sa kaniya.
Ayon sa Instagram post ni Dindo, sinubukan daw ni Kris na magbalik-trabaho subalit may na-realize daw sila.
"She's back working!"
"'Yan ang latest kay Kris Aquino."
"Sinubukan niya the other day."
"'But we all realized-1 day of work means 3 days of bed rest,' kuwento niya."
"'Yan lang muna ang good news ko. 'Di pa ako puwedeng magbigay ng details."
"Baka masabihan na naman ako ng, 'Kung minsan daldal ka rin, Kuya Dindo.'"
Matatandaang noong 2024 ay pumutok ang balitang magbabalik-telebisyon na si Kris at nagpasalamat pa siya sa tulong ng kaibigang segment producer na si Darla Sauler, subalit muli itong naudlot dahil sa kalagayan ng kalusugan ng TV host.