February 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Doktora natagpuang patay sa loob ng isang kotse; may tama ng bala sa ulo

Doktora natagpuang patay sa loob ng isang kotse; may tama ng bala sa ulo
Photo courtesy: PNP Naga via GMA News (FB)

Patay na nang matagpuan ang isang babaeng doktor sa loob ng isang sasakyan sa Naga, Camarines Sur, Linggo, Pebrero 16.

Batay sa mga ulat, kinilala ng Philippine National Police (PNP) sa Naga ang biktima na si Dra. Monette Romualdez, 36 anyos, taga-Maynila subalit resident doctor sa Bicol Medical Center. Natuklasan ang kaniyang bangkay dahil sa isang bystander.

Ayon pa sa mga awtoridad, natuklasang ang kotse ay hindi pagmamay-ari ng biktima. May kasama raw na isang lalaki ang biktima nang pumasok sa nabanggit na behikulo. May tama ng bala ng baril ang kaniyang ulo. Hindi naman natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit na baril ng suspek. 

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ang dahilan ng nabanggit na pamamaslang.

Probinsya

Lolo, suspek sa panghahalay sa sariling apo; tiyuhin ng biktima, sangkot din!

Ito ay isang developing story.