Nagbigay ng saloobin niya ang tinaguriang "Queen Sawsawera" na si RR Enriquez sa mga naging pahayag ng hunk actor na si Derek Ramsay tungkol sa naging isyu sa relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Sa episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Miyerkules, Pebrero 12, pinagsabihan ni Derek si Andi dahil sa umano'y irresponsible postings nito.
“Kung galit ka, naiintindihan ko ‘yon. Nasa kultura ng Pilipino ‘yon. Mali na nagpa-tattoo sila [Philmar at Pernilla Sjoö] together. Mali. She’s [Pernilla] a foreigner, she didn’t do it with intent to hurt Andi,” saad ni Direk.
“Pati ako nga sinasabihan ngayon,” pagpapatuloy niya. “Nadamay na kami ni Ellen [Adarna] na pati ako ‘Ellen, mag-ingat ka. Agawin si Direk.’ So, do’n magsasalita na talaga ako.”
Dagdag pa ng aktor, “Ang unang ayusin mo ‘yong partner mo; ‘yang si Philmar. Ayusin mo ‘yon. Huwag mong ilagay sa publiko. Because you don’t know the action that you did without thinking.”
Sa kaniyang Facebook post naman noong Sabado, Pebrero 15, ay nagbigay ng kaniyang saloobin si RR patungkol dito.
"Dami nag tatanong sa akin if ano reaction ko as a Sawsawera," ani RR.
"Derek has a point naman, na dapat itong si Philmar magpakalalaki din…. Sya din talaga ang dapat nag defend sa dalawang babae. If hindi din naman sya pumayag magpatattoo walang issue.. Kahit mag initiate kasi ang babae hindi mangyayari yun if nag isip talaga si Philmar…"
Sa kabilang banda, nagbigay rin siya ng saloobin para naman kay Pernilla Sjoo.
"Dun naman kay Pernilla. Maybe we should stop normalizing pa 'Victim mentality' instead own up to your mistakes.
You will not get bash if nag iisip ka din ng maayos… Imagine sa sobrang feeling close ka na sa bestfriend kuya kuyahan mo nakalimutan mo ng mag set ng boundaries… Nakalimutan mo ng iconsider kung ano ang mapi feel ng partner ng bestfriend mo… Knowing na babae ka din. How would you feel if your partner did that to you!?"
"Ngayon na nabash ka I don’t want to say na you deserve it.. But that’s part of the consequences ng naging actions mo… Gaya nga ng sabi ni Bea Alonzo sa movie na One more chance ba yun? “Bakit parang kasalanan ko pa?” Bakit parang kasalanan pa namin na nabash ka? Eh kasalanan mo din naman yan"
"Instead of crying, magkulong sa kwarto why not own up to your mistakes? Appologize and say you didn’t think at all that having the same tattoo would cause such a fuss.. Atleast now mas aware ka na and next time mas magiging careful ka na sa magiging actions mo."
Kaya final sey ni RR, "Anyway lilipas din yan. Be strong girl kaya mo yan. Don’t worry I can relate to you. Minsan na din akong nabash because of my kagagahan. Pero hindi ako nagkulong or umiyak. Maybe because strong personality ako and alam ko din naman may kasalanan ako And alam ko din na people are so easy to judge.. They will focus sa isang maling nagawa mo. Kung magpapadala ka, talo ka."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Andi at Philmar tungkol sa mga sinabi nina Derek at RR patungkol sa kanila.
KAUGNAY NA BALITA: Derek Ramsay, sinermunan si Andi Eigenmann: 'Ayusin mo 'yong partner mo!'