Nakakaloka ang ibinahaging kuwento ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado tungkol sa kasal nila noon ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Jennylyn na naiwan daw ni Dennis ang singsing na isusuot nito para sa kaniya.
“Noong time no’ng wedding namin, naiwan niya ‘yong singsing. So, bwisit na bwisit ako. Siyempre ‘yong hormones ng pregnant women ‘di ba. Talagang galit ako.
“Saka, Tito, sinabihan ko siya. Sobrang specific ng instruction ko. Kunin mo ‘yong ring nandito sa bag ko. Ito ‘yong color ng box. “
Depensa naman ni Dennis, “Tito Boy, dalawa po ‘yong box do’n. ‘Yong isa wala laman, ‘yon ‘yong nakuha ko, ‘yon ‘yong nadampot ko.”
Mabuti na lang, hindi na sila lumayo pa ng venue. Matatandaang sa Quezon City lang din ginanap ang civil wedding ng dalawa kung saan din sila nakatira.
“Pero ang totoo, Tito Boy, may singsing man o wala. Kaya pa rin. Kahit alambre lang ‘yan…na mapulot mo kung saan. Simbolo lang ‘yan ng pagmamahal na ibibigay mo sa kaniya,” hirit pa ni Dennis.
Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, inamin ni Jennylyn na nagkaroon daw siya ng pagdududa sa intensyon ni Dennis na pakasalan siya.
MAKI-BALITA: Dennis, pinakasalan lang si Jennylyn noon dahil buntis?