February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

TikTok posts ni Karla Estrada, inintriga; patama sa gulpihang Jam Ignacio-Jellie Aw?

TikTok posts ni Karla Estrada, inintriga; patama sa gulpihang Jam Ignacio-Jellie Aw?
Photo courtesy: Screenshot from Karla Estrada (TikTok)/Jellie Aw (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang latest TikTok video ng TV host-actress na si Karla Estrada na inintriga at kinonekta sa kontrobersiya ng umano'y pambubugbog kay DJ-social media personality na si Jellie Aw ng kaniyang fiance na si Jam Ignacio, na ex-boyfriend naman ng una.

MAKI-BALITA: 'Papakulong kita!' Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?

Siyempre pa, marami ang nakaabang sa magiging reaksiyon ni Karla sa nangyaring insidente.

Ang napagdiskitahan ng mga netizen, sunod-sunod na TikTok posts ni Karla na tila patama raw sa dalawa. Isa na rito ang video ng pagsabay ni Karla sa awiting "Do You Miss Me?" ni Jocelyn Enriquez habang nagpapa-facial session siya. Tanong ng ilang intrigerang netizen ay kung "Jellie" daw ba ang pangalan ng nagfe-facial sa kaniya, dahil ilang oras bago ang pagsabog ng balita ng bugbugan, ay tila nagpasaring pa si Jellie tungkol kay "Ms. Carla" na nag-aayos sa kaniyang kuko sa isang nail salon.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

MAKI-BALITA: Jam Ignacio, sinamahan pang magpa-manicure si Jellie Aw kay 'Ate Carla' bago bugbugin?

Sa isa pang TikTok video, mapapanood pa ang tila pag-awra-awra ni Karla habang sinasabayan ang kantang "Honestly" ng Harem Scarem.

Pati ang pagsabay ni Karla sa kanta ni Nicki Minaj na "Itty Bitty Piggy" ay minalisya rin ng netizens, na may lyrics na "I don't even know why you girls bother at this point, like, give it up, it's me, I win, you lose..."

Sa isa pang post ay makikitang nagli-lip sync si Karla sa pamosong awiting "Wala Na Bang Pag-ibig?" ni Jaya habang nag-aayos ng buhok at patawa-tawa pa.

Matatandaang noong Enero 2025, bago pa man pumutok ang isyu, ay tinawag ni Jellie ang atensyon ni Karla sa pamamagitan ng Instagram story at sinabihang huwag daw idamay ang kaniyang trabaho, sa isyung hindi pa malinaw at hindi naman dinetalye ni Jellie.

MAKI-BALITA: Fiancée ng ex-jowa ni Karla Estrada, may cryptic post tungkol sa kaniya?

Enero din nang maglabas naman ng cryptic post si Karla na mukhang nagbabalak siyang magsampa ng cyber libel subalit hindi siya nagbigay ng pangalan o detalye tungkol dito.

MAKI-BALITA: 'Cyber libel here we go!' Karla nagpasaring sa 'fame whore,' may kakasuhan?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Karla patungkol sa mga pang-iintriga ng netizens.