Nagbigay na ng pahayag si Kapuso star Ruru Madrid sa naging reaksiyon nina “The Kingdom” stars Cristine Reyes at Sue Ramirez matapos ianunisyo ang pagkawagi niya bilang Best Supporting Actor sa ginanap na 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Matatandaang pinag-usapan noong Disyembre 2024 ang kumalat na video clip nina Cristine at Sue na tila dismayado sa resulta ng parangal.
MAKI-BALITA: Reaksiyon nina Sue at Cristine sa waging MMFF Best Supporting Actor, binakbakan
Pero sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Pebrero 14, sinabi ni Ruru na hindi naman daw siya nakaramdaman ng sama ng loob.
“No’ng nakita ko ‘yon [video], parang hindi ako nakaramdam ng kahit na anong sama ng loob do’n sa mga nagbasa,” saad ni Ruru.
Dagdag pa niya, “Parang feeling ko, hindi naman nila min-mean na ‘yon ‘yong nasabi nila, o ‘yon ‘yong naging reaksiyon nila. Kumbaga normal, e. Normal na siyempre na may dalawang entries at nakatrabaho po nila, kasama po nila sa isang pelikula.”
Nasungkit ni Ruru ang nasabing parangal dahil sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Green Bones” na nagkamit din ng Best Screenplay at Best Picture.
MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal