February 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Mga magsasaka dinukot at pinagbabaril; dalawa patay, dalawa sugatan

Mga magsasaka dinukot at pinagbabaril; dalawa patay, dalawa sugatan
Photo courtesy: Pexels

Dead on the spot ang dalawang magsasaka habang dalawa pa ang sugatan matapos umanong pagbabarilin ng ilang armadong lalaki sa Sitio Pagbahan, Barangay Alacaak, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN noong Biyernes, Pebrero 14, 2025, nauna umanong dukutin ng tinatayang tatlong mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki ang mga biktima bago sila pinagbabaril sa talahiban.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagpapahinga umano sa isang kubo ang mga biktima nang pasukin sila ng nasabing mga armadong suspek. 

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Clempoy Barrientos at Rustom Bayan na kapuwa mga aktibong miyembro umano ng Katasan Farmers Association.

Probinsya

Lalaking napagkamalang 'police asset,' pinagsasaksak ng dati umanong ex-convict

Sugatan din ang dalawa pa nilang kasamahan matapos umanong subukang tumakas. Agad naman silang sinaklolohan ng ilang residente at nadala sa ospital. 

Away sa lupa ang isa sa mga umano’y motibong tinitingnan ng mga awtoridad lalo't kabilang umano ang dalawang biktimang nasawi sa mga petitioner ng pinag-aawayang 55 ektaryang lupain sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro. 

Sa kasalukuyan, kasado na ang Special Investigation Task Group na binuo ng Occidental Mindoro Philippine National Police (PNP) upang tumutok sa pagtugis sa mga suspek.