February 23, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

McCoy, masaya sa pagiging kontrabida; mas epektibo maging 'masamang tao'

McCoy, masaya sa pagiging kontrabida; mas epektibo maging 'masamang tao'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), McCoy De Leon (IG)

Ibinahagi ni Kapamilya actor McCoy De Leon ang natuklasan niya sa dalawang taong pagganap niya bilang David sa hit primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa ginanap na media conference ng “Batang Quiapo” kamakailan, sinabi ni McCoy na pwede rin daw pala siyang gumanap na kontrabida.

“Na-discover ko na pang-kontrabida rin pala ako. Actually, masaya pala. Ngayon ko na lang naramdaman ulit from mga love team,” saad ni McCoy.

Dagdag pa niya, “Ngayon ko naramdaman na mas effective pala ako na masamang tao. At hindi ko magagawa ‘yon kung hindi sa paggawa ng karakter ni ‘David.’”

Teleserye

Jillian sinabuyan ng asido, naging si Myrtle na; umani ng reaksiyon

Kaya naman, todo-pasasalamat si McCoy kay Primetime King Coco Martin at sa iba pang direktor ng serye para sa pagtitiyaga sa kaniya mula umpisa.

Matatandaang ilang beses nang pinag-iinitan ng mga netizen at tagasubaybay ang karakter ni McCoy dahil sa epektibo niyang pagganap.

MAKI-BALITA: McCoy De Leon, gusto nang 'patayin'

MAKI-BALITA: Gigil na mga Caviteño: McCoy De Leon, gustong ‘tapusin’ na