February 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking napagkamalang 'police asset,' pinagsasaksak ng dati umanong ex-convict

Lalaking napagkamalang 'police asset,' pinagsasaksak ng dati umanong ex-convict
Photo courtesy: Pexels

Sugatan ang isang lalaki sa computer shop matapos siyang sugurin at pagsasaksakin ng isa pang lalaki sa Cebu City.

Ayon sa ulat ng State of the Nation ng GMA Network, naglalaro noon sa naturang computer shop ang biktima nang bigla siyang pagsasaksakin ng suspek sa kaniyang tagiliran. 

Nasakote ng pulisya ang suspek matapos ang isang follow-up operation. 

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon na napagkamalan umano ng suspek na ‘police asset’ ang biktima na hinihinala niya ring nagsuplong daw sa kaniya noon upang siya ay makulong. Inamin din umano ng suspek na gumamit siya ng ilegal na droga bago ang krimen. 

Probinsya

Mga magsasaka dinukot at pinagbabaril; dalawa patay, dalawa sugatan

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek habang nagpapagaling na sa ospital ang biktima na nagtamo ng tinatayang tatlong saksak.