Mula mismo sa bibig ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado na hindi pa niya napapanood nang buo ang pelikulang "Everything About My Wife" na pinagbibidahan nila ng mister na si Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapamilya Star Sam Milby na ipalalabas sa mga sinehan sa Pebrero 26.
Sa ginanap na media conference ng CreaZion Studios at GMA Pictures para sa pelikula noong Huwebes, Pebrero 13 sa SEDA Vertis North sa Quezon City, sinabi ni Jennylyn na hindi pa niya nabibistayan ang buong pelikula dahil mas nais nilang mapanood ito nang buo sa premiere night.
Taliwas ito sa mga kumakalat na tsikang hindi raw nagustuhan ng tatlo ang napanood nila.
Nagpadala naman ng mensahe ang PR and Brand Partnerships Manager ng CreaZion Studios na si Maureen Manuel sa Balita para pabulaanan ang mga kumalat na tsika.
Mensahe nila sa Balita published as is, "We want to refute some claims sana na kumakalat at the moment. Allegedly, some said that the lead actors Jennylyn, Dennis, and Sam had seen the film and didn’t like it."
"Pero sa totoo lang po, they haven’t seen the film. Ang nakakakita pa lang ng film is kami, mga internal team, and mga cinema exhibitors na nagpunta sa advance screening last week."
"As per cinema exhibitors, nagustuhan nila ang movie namin," anila.
KAUGNAY NA BALITA: Dennis, Jennylyn, at Sam inintriga; 'di raw nagustuhan sariling pelikula?