February 22, 2025

Home SHOWBIZ

Diwata nakatanggap ng parang 'bulaklak ng patay' sa Valentine's Day

Diwata nakatanggap ng parang 'bulaklak ng patay' sa Valentine's Day
Photo courtesy: Screenshots from Diwata Pares Overload (FB)

Umani ng reaksiyon at komento sa publiko ang pagtanggap ng social media personality at negosyanteng si Deo Balbuena alyas "Diwata" sa bulaklak na ipinadala sa kaniya noong Biyernes, Pebrero 14, para sa pagdiriwang ng Valentine's Day.

Tuwang-tuwang sinalubong at tinanggap ni Diwata ang bulaklak sa kaniya mula pa sa Dangwa, subalit maging siya ay natawa sa tila pagkakahawig ng disenyo nito sa mga ipinadadalang bulaklak o "korona" ng patay.

Bukod dito, binigyan pa siya ng nagbigay sa kaniya ng bulaklak ng pulang sisiw.

"Na surprise naman ako, May nagpadala ng bulaklak. Happy Valentines mga ka Vendors!" aniya sa caption ng kaniyang Facebook post, na tumutukoy sa ineendorso niyang party-list para sa National and Local Elections (NLE) sa Mayo.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Hindi magandang biro Yan!.nakakainsulto kayo!"

"Pang patay nman ang dala nyo bulaklak"

"Naka Naman kaganda Naman yang bulaklak mo.. para sa Patay ata yan"

"Bka binili para sa Sarili,,kunwari my nag Padala,,kung bulaklak ng Patay bka pa na sadyang pinadala."

"Pang patay Yung bulaklak condolences"

"Bulaklak ng patay yan"

Samantala, wala namang sagot si Diwata kung totoo ba ang bintang sa kaniya ng ilang netizens na baka siya lang din umano ang bumili nito para sa sarili niya.