February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Andrea Brillantes 'new era' pag-alis sa Star Magic, mananatili pa bang Kapamilya?

Andrea Brillantes 'new era' pag-alis sa Star Magic, mananatili pa bang Kapamilya?
Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)/Star Magic (IG)

"New era" daw para kay Kapamilya star Andrea Brillantes ang pag-alis niya sa Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN, at paglipat naman sa ibang management.

Ayon sa mga ulat, lumipat na sa management ni Shirley Kuan si Blythe, na siyang talent manager ni Kapuso star Bea Alonzo nang tuluyan na siyang lumundag sa GMA Network.

Kung wala na siya sa Star Magic, it means to say na may kalayaan na si Andrea na gumawa ng iba pang proyekto sa iba pang production company o TV network. Star Magic ang nag-handle ng kaniyang career simula sa pagiging child star niya.

Umalis man sa Star Magic, sa ngayon ay nananatiling Kapamilya si Andrea dahil kabilang siya sa mga bagong cast member ng action-series na "FPJ's Batang Quiapo."

Robi, umalma matapos bantaan dahil kina Kathryn, Donny: 'Can I take legal action?'

Matatandaang noong 2023 ay pumirma pa ng kontrata si Andrea sa ABS-CBN. 

Sa panayam daw sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, sinabi ni Blythe na different era na ito para sa kaniya at bukas siya sa iba't iba eksplorasyon pagdating sa kaniyang career.

Bukod sa BQ, wala pang ibang ulat na gagawa ng proyekto si Andrea sa labas ng ABS-CBN.