Nagbigay ng reaksiyon ang rapper na si Omar Manzano o mas kilala bilang “Omar Baliw” sa campaign jingle na pinatugtog sa proclamation rally ni senatorial apirant Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City kamakailan.
Sa Facebook post ni Omar noong Huwebes, Pebrero 13, ibinahagi niya ang video clip kung saan maririnig ang campaign jingle na ang beat ay mula sa kanta niyang “K&B.”
“[D]i pa nakaupo, nagnakaw na agad. [W]ala kameng kinalaman dito. [P]wede ba to ipa-barangay? hahaha. [A]wit,” saad ni Omar.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"hahahahaha awiittt"
"Yuck hahahahhaa"
"STOP "
"QUIBALIW ang gustong COLLAB "
"ANG GUNGGONG NAMAN NYAN!!
HAHA BLESSING IPAMAHAGI"
"Korapsyon ay isantabi, Blessing ay ipamahagi noyy! Hahahaa"
Matatandaang noong Oktubre 2024 ay nauna nang nagbigay ng paalala ang Intellectual Property of the Philippines (IPOPHL) sa mga kakandidato na igalang ang intellectual property rights ng mga gagamiting promotional material.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang panig ni Quiboloy hinggil sa nabanggit na isyu.