May 18, 2025

Home BALITA National

PBBM sa mga Pinoy: ‘Papayag ba kayong bumalik sa panahon ng lagim?’

PBBM sa mga Pinoy: ‘Papayag ba kayong bumalik sa panahon ng lagim?’
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga botante sa isinagawang proclamation rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipino nitong Huwebes, Pebrero 13.

Sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 14, nagbahagi si Marcos ng ilang mga larawan ng isinagawa nilang proclamation rally sa Iloilo City nitong Biyernes.

“Papayag ba kayong bumalik sa panahon ng lagim, o itutuloy ba natin ang biyahe patungo sa isang maliwanag, mapayapa at magandang kinabukasan para sa lahat ng Pilipino?” ani Marcos.

“Sa darating na Mayo, piliin natin ang magdadala sa atin ng mas magandang bukas. Piliin natin ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas,” saad pa niya.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

BinubuoBinubuo ang senatorial slate na iniendorso ni Marcos nina dating DILG Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abigail Binay, Senador Pia Cayetano, dating senador Ping Lacson, Senador Lito Lapid, Senador Imee Marcos, dating Senador Manny Pacquiao, Senador Bong Revilla, dating Senate president Tito Sotto, Senador Francis Tolentino, ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo at Las Piñas Rep. Camille Villar.