Ibinahagi ni dating Vice President Atty. Leni Robredo ang pamimigay niya ng mga rosas sa mga babaeng empleyado ng Naga City ngayong Valentine’s Day, bilang pagpapatuloy umano ng tradisyong sinimulan pa ng yumao niyang asawa na si dating Naga Mayor at dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.
Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Pebrero 14, 2025, binanggit ni Robredo na kasama niya ang kaniyang dalawang anak na si Aika at Jillian sa pamamahagi ng mga bulaklak.
“Best Valentine’s Day surprise - Aika and Jillian arrived this morningMissing Tricia, though,” saad ni Robredo.
Dagdag pa niya, “Continued a V-Day tradition started by their Papa Jesse - giving roses to all the ladies in City Hall.”
Taong 1988 nang mahalal bilang alkalde ng Naga si Jesse at tuluyang naging kalihim ng DILG noong 2010 sa ilalim ng administrasyon ng yumao at dating Pangulong Noynoy Aquino. Pumanaw si Jesse noong 2012 bunsod ng plane crash sa Masbate.