Natimbog ng pulisya ang magkasintahang tulak umano ilegal na droga sa Barangay Tigayon, Kalibo, Aklan noong Huwebes, Pebrero 13, 2025.
Ayon sa ulat ng Brigada PH, nitong Biyernes, Pebrero 14, ang nasabing magkasintahang suspek na sina alyas “Ron-Ron,” 26 taong gulang at “Ella,” 25-anyos ay kapuwa residente sa Rizal St., Poblacion, Kalibo, Aklan.
Nasakote ng mga awtoridad ang dalawa sa ikinasang buy-bust operation, matapos umanong pagbentahan ng mga suspek ang isang undercover na pulis ng dalawang marijuana, kapalit ang tinatayang ₱1,000 marked money.
Narekober din ang umano ng pulisya mula sa mga suspek ang iba pang drug paraphernalia, kung saan napag-alaman ding may ilang mga estudyante rin daw na nakaka-transaksyon ang mga ito.
Nasa kustodiya ng Kalibo Municipal Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.