April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’

FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’
Ex-Pres. Rodrigo Duterte (MB photo)

“Kung makapatay tayo ng mga 15 senador, pasok na tayong lahat…”

Nagbigay ng pahaging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kasalukuyang mga senador para raw magkaroon ng puwesto sa Senado ang walo niyang senatorial candidates sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Sinabi ito ni Duterte sa isinagawang proclamation rally ng PDP-Laban nitong Huwebes, Pebrero 13, sa San Juan City.

“Ngayon, marami kasi sila, ano'ng dapat na gawin natin?” giit ni Duterte.

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

“Edi patayin natin yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 senador, pasok na tayong lahat,” dagdag niya.

Dagdag ng dating pangulo: “Pero kawawa naman. Pero nakakainis kasi yung–hindi naman lahat.”

“Talking of opportunities, the only way to do it is pasabugin na lang natin 'yang ano,” saad pa niya.

Sa kaniyang talumpati ay pinatutsadahan din ni Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sinabi niya muli itong “bangag.”

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Kasalukuyang ineendorso ni Duterte ang walong kandidato ng PDP-Laban na sina: reelectionist Senador Bato Dela Rosa at Bong Go, dating aktor Philip Salvador, mga abogadong sina Raul Lambino, Jesus Hinlo, at Jimmy Bondoc, SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Inirerekomendang balita