Nausisa si Kapuso star Bianca Umali kung papayag daw ba siyang magkaroon ng girl bestfriend ang jowa niyang si Ruru Madrid.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Pebrero 13, sinabi ni Bianca na bago pa man daw sila naging magkarelasyon ay may kaibigang babae na raw si Ruru.
Ayon sa kaniya, “When Ruru and I started a relationship, bestfriend po talaga sila ni Mikee [Quintos]. So, he does have a girl best friend. And I was best friends also with a guy when our relationship started.”
“But how it all went well was that we introduced each other to each other’s best friend,” dugtong pa ng aktres.
Sa katunayan, ayon kay Bianca, hanggang ngayon daw ay magkakaibigan pa rin sila kahit may relasyon sila ni Ruru.
Naitanong kay Bianca ang tungkol dito dahil sa isyung kinasangkutan ng celebrity couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kamakailan.
MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar