February 13, 2025

Home BALITA National

VP Sara, bumili ng gulay sa Nueva Vizcaya: ‘Masayang-masaya ako sa’king mga pinamili’

VP Sara, bumili ng gulay sa Nueva Vizcaya: ‘Masayang-masaya ako sa’king mga pinamili’
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Pebrero 13, ang kaniyang pagkatuwa makaraang namili siya ng mga gulay sa Bambang, Nueva Viscaya.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Duterte na nangyari ang pagpunta niya sa Bamban nang bumisita raw siya sa lalawigan ng Ifugao noong 2024.  

“Dumaan tayo sa tindahan ng mga gulay at prutas sa Bambang, Nueva Vizcaya noong bumisita tayo sa lalawigan ng Ifugao noong Disyembre ng nakaraang taon,” ani Duterte.

“Namili tayo roon ng iba’t ibang gulay tulad ng cauliflower, broccoli, cabbage at marami pang iba.”

National

SP Chiz, nais umanong ipa-review ang party-list law

Binanggit din ng bise presidente na kilala ang Bambang bilang “bagsakan ng mga gulay mula sa kanilang lugar at ng mga karatig na probinsya nito.”

“Masayang-masaya ako sa aking mga pinamili na iniuwi ko sa bahay namin sa Maynila. Maraming salamat sa mga kababayan natin sa Bambang!” saad pa ni Duterte.