February 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Jennylyn Mercado, naniniwalang importante sinumpaang pangako ng mag-asawa

Jennylyn Mercado, naniniwalang importante sinumpaang pangako ng mag-asawa
Photo courtesy: CreaZion Studios (FB)

Naniniwala si Ultimate Star Jennylyn Mercado na mahalagang sundin ng mag-asawa ang kanilang sinumpaang pangako sa isa't isa sa pagharap ng mga problema nila sa panahon ng kanilang pagsasama.

Natanong si Jen patungkol dito sa pagharap nila nina Dennis Trillo, Sam Milby, at iba pang cast members ng pelikulang "Everything About My Wife" nitong Huwebes, Pebrero 13, sa Quezon Hall ng SEDA Vertis North sa Quezon City.

Ayon kay Jen, "Napakaimportante ng sinumpaan ng mag-asawa eh. Pag ka may sinumpaan kayong pangako sa isa't isa, kailangan ninyong mapanindigan 'yon, importante na magawa n'yo 'yon nang magkasama kayong dalawa."

Dagdag pa niya, "Hindi natatapos 'yong mga problema kasi palagi namang magkakaroon ng mga problema, ang importante kung papaano n'yo, papaano kayo magiging matibay at kung paano n'yo maso-solve 'yong problema nang buo pa rin kayo."

Pelikula

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo inaming nag-aaway sila sa set noon

Inamin ng mag-asawang Jennylyn at Dennis Trillo na paminsan ay nag-aaway sila sa set ng kanilang taping ng pinagsamahang teleserye noong medyo bago pa ang kanilang relasyon.

Pero paglilinaw ni Jen, ngayon daw ay mas nag-mature na silang dalawa at hindi na nag-aaway sa set, lalo na't nagkatrabaho sila ngayon sa pelikula, na kolaborasyon ng GMA Pictures at CreaZion Studios.

First time magkatrabaho nina Jen at Den sa isang pelikula, na mag-asawa pa sila.

Sa kabuuan daw, na-enjoy naman nina Jen at Dennis ang pelikula dahil mag-asawa naman sila sa totoong buhay, at marami sa mga eksena sa pelikula ang pamilyar sa kanila.

Mapapanood ang pelikula sa Pebrero 26 sa mga sinehan nationwide.

MAKI-BALITA: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo inaming nag-aaway sila sa set noon