February 13, 2025

Home BALITA Metro

39-anyos na lalaki, ni-rape umano ang 14-anyos na GF ng kaniyang anak

39-anyos na lalaki, ni-rape umano ang 14-anyos na GF ng kaniyang anak
(Courtesy: Manila Police District via MB)

Arestado ang isang 39-anyos na lalaki sa Binondo, Maynila matapos akusahan ng panggagahasa sa 14-anyos na high school student, na kasintahan ng kaniyang anak.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si "Dencio," residente ng sa Parola, Binondo.

Ayon kay MPD Director Brigadier Gen. Thomas Arnold Ibay, nahuli ang suspek matapos ang mabilis na follow-up operation sa pangunguna ng MPD Delpan Police Station 12.

Ibinahagi ng menor de edad na biktima na nagpalipas siya ng gabi sa bahay ng kaniyang nobyo na anak ng suspek. 

Metro

Brokenhearted na camper, sinapak ng staff ng campsite dahil nagmura daw sa bundok

Bandang 2:00 ng madaling araw, nagising umano ang biktima dahil sa presensya ng tatay ng kaniyang nobyo at doon na raw nangyari ang pagsasamantala sa kaniya. Nagawa raw niyang makatakas at tumakbo pauwi sa kaniyang mga magulang upang iulat ang insidente.

Agad siyang dinala ng kaniyang mga magulang sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng reklamo. 

Mabilis naman umanong nagpakilos ang MPD ng follow-up operation na humantong sa pagkakaaresto sa suspek.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek, na nahaharap sa mga kaso sa ilalim ng Republic Act 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997.

Diann Ivy Calucin