Kumakalat sa social media ang pagbabahagi ni Jellie Aw sa masaklap na ginawa umano sa kaniya ng fiance niyang si Jam Ignacio na dating partner ng actress-host na si Karla Estrada.
Sa latest Facebook post ni Jellie nitong Miyerkules, Pebrero 12, makikita sa mga larawan niya ang mga bakas na iniwan ng umano’y mga bugbog ni Jam.
“HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masama para ganituhin moko halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!” saad ni Jellie sa kaniyang caption.
Umani ang nasabing post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"OMG!! Jel wag mong palagpasin yan tsk sobra yang ginawa syo"
"paka bait mong tao para mangyari sayo yung ganito Jellie Aw "
"Atee grabeeeee buti hnd pa kyo kasal "
"omg get well soon bi, sana makulong yung gumawa sayo nyan"
"Grabe ginagawa sayo idol wala na kame dj ilan araw. Pagaling ka."
"Wtf kapatid."
"Pa medical ka agad jellie.. Para naka document lahat. Omg. Di kita kaya makitang ganito. Omg"
Matatandaang kamakailan lang ay very sweet pa ang dalawa sa isa’t isa matapos i-flex ni Jellie ang tila engagement ring nito sa social media.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Jam hinggil dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.
MAKI-BALITA: Ex-BF ni Karla Estrada, engaged na sa jowa?
![](https://cdn.balita.net.ph/balita/uploads/images/2025/02/12/8855.png)