February 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ni Yao De Ai: Darryl Yap flinex si Cristine Reyes na mala-Shan Cai

Ni Yao De Ai: Darryl Yap flinex si Cristine Reyes na mala-Shan Cai
Photo courtesy: Darryl Yap, Cristine Reyes (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ng direktor na si Darryl Yap matapos i-flex ang aktres na si Cristine Reyes noong Pebrero 10.

May caption ang Facebook post na "Ni Yao De Ai," pamagat ng isa sa mga theme song ng phenomenal Asianovelang "Meteor Garden" na pinagbidahan ng Taiwanese star na si Barbie Hsu, na kamakailan lamang ay pumanaw na.

Sa larawan, makikitang tila ginaya ni Cristine ang looks ni Barbie mula sa isang eksena sa Meteor Garden 2.

Kamakailan lamang ay na-bash ang aktres matapos i-flex ang larawan nila ni Barbie at magpahayag ng "Rest in Peace (RIP)" sa kaniyang yumaong childhood favorite, at pagkatapos ay nagpaabot ng pagbati sa kaniyang 36th birthday.

Pelikula

Dennis, Jennylyn, at Sam inintriga; 'di raw nagustuhan sariling pelikula?

Kinabitan pa si Cristine ng mga bansag gaya ng "Mixed Emotions Kween" at "Dual Purpose Kween" dahil dito.

Matapos makatanggap ng katakot-takot na bash, agad ding binura ni Cristine ang kaniyang Facebook post. Subalit sa kaniyang Instagram story, agad siyang bumwelta sa mga sumita sa kaniya.

Mababasa, as is, "Maligayang kaarawan sa akin."

"Yun na lang.. oks na!?"

"Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays.. May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali ka e, diba?"

"Marahil ako nga talaga ay nag-luluksa ngayong kaarawan ko."

"Good?"

"Ang daming magagaling sa mundo," aniya pa.

MAKI-BALITA: Mixed emotions? Cristine kinuyog sa pa-RIP kay Barbie Hsu, self-b-day greeting

MAKI-BALITA: Cristine pumalag sa kuyog ng 'dual purpose' post: 'Bawal magkamali nowadays!'