February 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kapatid ni Jellie Aw kay Jam Ignacio: 'Wala kang awa! Demonyo!'

Kapatid ni Jellie Aw kay Jam Ignacio: 'Wala kang awa! Demonyo!'
Photo courtesy: Jo Aw, Jam Ignacio (Facebook)

"Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko..."

Inilahad ni DJ Jo Aw ang nangyari sa kaniyang ate na si DJ Jellie Aw na binugbog umano ng fiancé nitong si Jam Ignacio.

Nitong Miyerkules, Pebrero 12, usap-usapan ang Facebook post ni Jellie kung saan ibinahagi niya ang masaklap na ginawa umano sa kaniya ni Jam.

BASAHIN: 'Papakulong kita!' Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?

Tsika at Intriga

Iya Villania, aminadong nakaramdam ng takot sa panganganak

Sa Facebook post naman ni Jo, sinabi niyang bigla na lang daw pinagsasapak at binugbog habang pauwi raw ang ate niya. 

"BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN," saad ni Jo. 

"Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo 'JAM IGNACIO.'

"Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone, Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!"

"Wala kang awa!! Demonyo, mapapatay mo na ate ko," galit na sabi pa niya.

Samantala, magpapamedical daw sila ar magrereport sa pulisya. 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Jam hinggil dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.