Spotted ang aktor na si John Estrada sa birthday ng anak si Anechka Estrada kasama ang nanay nito si Priscilla Meirelles.
Sa Instagram post kasi ni Priscilla noong Martes, Pebrero 11, makikita sa serye ng mga larawan na kabilang si John sa mga dumalo sa birthday celebration ng kanilang anak.
“As your mother and your all-time best friend, nothing makes me happier than seeing you smile. I would literally move mountains just to keep that joy shining on your face!” mensahe ni Priscilla sa anak.
Dagdag pa niya, “Now that you’re diving into the amazing adventure of your teenage years at 13, always remember that I’ll be your biggest cheerleader, rooting for you at every turn.”
Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan nina John at Priscilla noong Hulyo 2024 matapos pangalanan ng huli ang babaeng kasama umano ng mister nito sa Boracay.
MAKI-BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?
Pero nilinaw naman ng aktor na wala raw siyang relasyon sa babaeng nali-link sa kaniya na si Lily Hallman.
MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman