May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘We manage to agree to disagree:’ Bela Padilla, naglabas ng pahayag kay Sen. Robin Padilla

‘We manage to agree to disagree:’ Bela Padilla, naglabas ng pahayag kay Sen. Robin Padilla
Photo courtesy: Bela Padilla (IG), Robin Padilla (FB)

Naglabas ng pahayag ang aktres na si Bela Padilla hinggil sa estado ng relasyon niya sa kaniyang tiyuhin na si Sen. Robin Padilla, kasunod ng mga kaguluhang naganap sa senado kamakailan at ang pagsasamahan nilang action series. 

“Because of recent events, and since I’m being asked daily, I wish to express my thoughts on the issue surrounding the casting of my uncle in Blood vs Duty, and the current situation hounding the Senate,” panimula ni Bela sa kaniyang X post nitong Huwebes, Mayo 14. 

Aniya pa, habang lumalaki, likas ang ipinakitang kabutihan ni Robin sa kaniyang pamilya, ngunit sa paglipas ng panahon at patuloy nitong pagpasok sa pulitika, naging bihira na lamang ang pagkikita nila, gayundin ang pagkakaiba nila ng pananaw sa buhay. 

“Growing up, my tito Robin was kind to me and my family. I will be forever grateful for this. But as our careers flourished and took different directions, with him entering politics, our personal encounters have become scarcer. Our ideologies also differed,” ani Bela. 

Nilinaw pa ni Bela na sa kasalukuyan, hindi rin magkalapit ang bahay nila nakita na lamang daw niya muli ang tiyuhin noong Biyernes, Mayo 8, matapos ang tatlong taon, dahil sa sabay nilang call time sa trabaho. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“I do not live close to my uncle. I haven’t seen tito Robin until we shared the same call time last Friday. Before then, I saw him 3 years ago,” saad ni Bela.

Binanggit din ni Bela na ang casting ni Robin sa “Blood vs. Duty” na TV series ay desisyon ng executive at supervising producers nito at hindi dahil sa kaniyang impluwensiya o relasyon dito. 

“My uncle being cast in the show was neither because of my influence nor my being part of the cast. I was cast in December. He is a recent addition to the show. This decision is purely the prerogative of the executive and supervising producers of the show,” dagdag pa ni Bela. 

Kaya bagama’t magkapamilya, ang posisyon ng tiyuhin sa pamahalaan o paniniwala nito ay walang koneksyon sa kaniya. 

Habang nananatiling nagpapasalamat si Bela sa kabutihan ni Robin, idiniin niyang hiwalay sa kanilang relasyon ang kaniyang mga paniniwala at personal na mga desisyon sa buhay. 

Sa hiwalay na post, diretsahang sinagot ni Bela ang isang netizen matapos siyang patutsadahan nito na sinama raw niya ang tiyuhin sa ipapalabas na action series sa kabila ng nagaganap ng kaguluhan sa senado. 

“yay for you speaking up about bato’s case pero why r u silent about your incompetent tito na sinama mo pa sa project mo,” saad ng netizen. 

“Sorry, but, what? I’m also assigned projects too. I was cast in this project in December. My uncle was added on recently. I have no power whatsoever in casting decisions. Hindi nga ako ang pinakamalaking muka sa poster I don’t see anyone else from the cast being asked here. Has he added me in any of his films/shows previously? Get your facts straight. We work and are managed separately,” sagot naman ni Bela.