February 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jam Ignacio, sinamahan pang magpa-manicure si Jellie Aw kay 'Ate Carla' bago bugbugin?

Jam Ignacio, sinamahan pang magpa-manicure si Jellie Aw kay 'Ate Carla' bago bugbugin?
Photo Courtesy: Jellie Aw (IG)

Tila maayos pa ang magjowang sina Jam Ignacio at Jellie Aw bago pumutok ang isyu ng pambubugbog umano ng una sa huli.

Sa Instagram story ni Jellie noong Martes, Pebrero 11, makikitang sinamahan pa siya ni Jam na magpa-manicure sa babaeng tinatawag nilang “Ate Carla.”

“[Jam Ignacio] inip ka na? [Ate Carla], pabilis daw hehe!” saad ni Jellie sa text caption.

Hindi naman tiyak ang eksaktong petsa kung kailan nakuhanan ang larawan, subalit ang pag-upload nito ay Martes, Pebrero 11. 

Tsika at Intriga

Mga tumatakbong women's rights advocates, baka puwede raw tulungan si Jellie Aw

Makalipas ang ilang oras, tumambad na sa IG stories ni Jellie ang mga larawan kung saan makikita ang mukha niyang may mga bakas ng umano’y pambubugbog ni Jam.

Aniya, “Taena mo [Jam Ignacio]. Magkita tayo sa kulungan!” 

Samantala, ibinahagi naman ni DJ Jo Aw sa Facebook post niya ang ginawa umano ni Jam sa ate niya.

MAKI-BALITA: Kapatid ni Jellie Aw kay Jam Ignacio: 'Wala kang awa! Demonyo!'

Humingi naman si Jo ng panalangin sa publiko para sa ate niya na isinugod na sa ospital.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Jam tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

BASAHIN: 'Papakulong kita!' Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?