Sugatan at halos hindi na makagalaw ang isang 14 taong gulang at Grade 8 student sa Cebu City matapos umano siyang gilitan sa leeg ng kaniyang boyfriend.
Ayon sa ulat ng State of the Nation ng GMA Network kamakailan, sinubukan umano ng biktima na makipaghiwalay sa suspek na isang Grade 10 student, dahilan upang saktan daw siya nito.
Lumalabas din umano sa imbestigasyon na posible raw hindi “nakaiskor” ang suspek sa biktima na nagkasundong magkita raw sa CR ng kanilang paaralan matapos ang kanilang exam.
Samantala, bukod sa sugat sa leeg, nagtamo pa umano ng mga pasa sa likod at iba pang galos sa katawan ang biktima na kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital.
Nasa kustodiya na ng Cebu City Police Office ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.