February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Gabbi Garcia, bet makapasok si Barbie Forteza sa PBB

Gabbi Garcia, bet makapasok si Barbie Forteza sa PBB
Photo Courtesy: Gabbi Garcia, PBB, Barbie Forteza (FB)

Pinangalanan ni Kapuso actress ang isa sa mga karapat-dapat na makapasok sa Bahay ni Kuya mula sa hanay ng mga artista ng GMA Network.

Sa panayam ng GMA Integrated News noong Martes, Pebrero 11, sinabi ni Gabbi na nilo-look forward daw niyang makita si Barbie sa Pinoy Big Brother.

“Si Barbie. We always see Barbie’s primetime princess side as an actor. I’m pretty sure people wanna get to know her on a deeper level,” saad ni Gabbi.

Samantala, nang tanungin naman siya kung ang jowa niyang si Khalil Ramos ang magiging housemate, tila nag-aalangan siyang pumayag.

Anak na si Miguel, 'pinakamasarap na luto' ni Grace Tanfelix

Aniya, “Kung pinpatawag siya ni Kuya, wala tayong magagawa.” 

Pero payo ni Gabbi kung sakaling papasukin si Khalil, “Behave. Siguro more of—kasi he’s very introverted—just talk to people.”

Matatandaang noong Linggo, Pebrero 9, ay opisyal nang inanunsiyo sa All-Out Sunday na si Gabbi ang magsisilbing Kapuso host sa PBB kasama sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez. 

MAKI-BALITA: Gabbi Garcia, Kapuso host ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab'