April 02, 2025

Home SHOWBIZ

Drew Arellano, kinaantigan matapos i-flex ang mag-ina niya

Drew Arellano, kinaantigan matapos i-flex ang mag-ina niya

Inulan ng pagbati ang Instagram posts ng Kapuso TV host na si Drew Arellano matapos niyang ipagmalaki ang kaniyang misis na si Iya Villania at ang baby number 5 nilang si Baby Anya Love, matapos ang pagsilang sa kaniya noong Martes, Pebrero 11.

Ibinida ni Drew sa kaniyang Instagram posts ang larawan ni Baby Anya gayundin ang kaniyang misis na si Iya, na panlimang beses nang nagsilang para sa kanilang anak.

Flinex din ni Drew sa kaniyang Instagram story ang larawan nila ng bunsong anak habang karga niya ito.

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz.

Tsika at Intriga

Mark Herras, sumagot na sa isyung pina-blotter at idedemanda siya ni Jojo Mendrez

Samantala, inamin naman ng kaniyang misis na si Iya na nakaramdam siya ng takot bago ang pagsilang sa baby number 5 nila ng mister na si Drew Arellano, na si Baby Anya.

"Although this pic is missing Primo and Leon (okay, and the hubs coz he took the pic ), I remember savoring this moment with fear in my heart not knowing how delivery might unfold," ani Iya sa kaniyang Instagram post.

"I'm not a negative person but I couldn't help but fear the possibility of not making it back home to these guys or of any other possible misfortune if you only knew how much I fear delivery - If you know of all the possibilities during delivery then you too would understand and then there’s the lady in the back, my mum, who I know has fears of her own about the delivery so to be on the other side of it already, seeing and holding Anya and knowing we’ll be reunited with her very excited siblings soon brings me so much relief and gratitude God truly has been so gracious and faithful and I can only hope that I live a life that will honor Him. Will never take any of this for granted coz I see His grace in each of these tiny faces "

"Excuse the fragile hormones I’m running on endorphins from post delivery, mixed with puyat and a whole lot of relief and gratitude ," pahayag pa ni Iya.

MAKI-BALITA: Iya Villania, aminadong nakaramdam ng takot sa panganganak

Matatandaang Setyembre nang ianunsiyo ni Iya ang tungkol sa kaniyang ikalimang pagdadalang-tao sa pamamagitan ng Instagram post.

MAKI-BALITA: Iya Villania, nanganak na!

Bukod kay Anya, ang mga anak ng mag-asawa ay sina Antonio Primo (2016), Alonzo Leon (2018), Alana Lauren (2020), at Astro Phoenix (2022).