February 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Campaign billboard ni Pastor Apollo Quiboloy, spotted sa New York City

Campaign billboard ni Pastor Apollo Quiboloy, spotted sa New York City
photo courtesy: Hakbang ng Maisug America/FB

Naispatan sa New York, USA kamakailan ang campaign billboard ni senatorial aspirant Pastor Apollo Quiboloy. 

Ito ay dahil sa pagpapakita ng suporta ng Filipino community sa New York para sa kandidatura ni Quiboloy, ayon sa SMNI News.

Sa Facebook post naman ng Hakbang ng Maisug America, nagtipon anila sila sa sikat na Time Square sa New York kasama ang Patriotic FIlipinos noong Pebrero 9 para magpakita ng suporta kina Quiboloy at senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez, at maging sa iba pang senatorial candidates ng PDP-Laban.

"Isang mainit na suporta at nag-aalab na pagbati ang ipinaabot ng mga solid DDS dito sa New kay Atty. Vic Rodriguez at Pastor Apollo Quiboloy at sa lahat ng mga senatorial candidates ng PDP Laban and its independent guest candidates," nakasaad sa naturang post.

Eleksyon

Sen. Bato, gagamitin ang 'tokhang-style' sa pangangampanya

Dagdag pa, "Sa lahat ng mga OFW at mga kababayan, Marami pong salamat sa inyong patuloy na suporta at pagmamahal kay FPRRD at kay VP Inday Sara."