Diretsahang nausisa ni Boy Abunda ang Kapuso actress na si Ashley Ortega kung nakapag-usap ba sila ng kapwa Kapuso actress na si Kyline Alcantara tungkol kay Mavy Legaspi.
Sa pag-guest ni Ashley sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan, inamin niyang sila na nga ni Mavy na sinasabing ex-boyfriend ni Kyline, baka ito nagkaroon ng espesyal na ugnayan kay Kobe Paras.
"Actually, yesterday I was with her kasi nag-All-Out Sundays kami, and we were okay, nag-hi, hello kami, gano'n," sagot ni Ashley.
"Pero walang pinag-usapan?" sundot ni Boy.
"Wala naman," mabilis na sagot ni Ashley. Sumang-ayon din siya sa sinabi ni Boy na "no need" na pag-usapan nila ang tungkol dito.
"We're good naman," sundot pa ng aktres.
MAKI-BALITA: Ashley Ortega, 'di inakalang mapapantayan ni Mavy Legaspi maturity niya
MAKI-BALITA: Mavy Legaspi, 'thoughtful' at 'generous' na manliligaw sey ni Ashley Ortega
MAKI-BALITA: Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu