Proud and loud na ipinakilala ni Concert King Martin Nievera ang kaniyang non-showbiz partner sa ASAP stage.
Sa latest episode ng ASAP noong Linggo, Pebrero 9, hiningan ni Kapamilya actor Donny Pangilinan ng Valentine’s message si Martin para sa partner nito.
“Well, first, maybe you don’t know who Anj [del Rosario] is,” panimula ni Martin. “This is the love of my life. [...] Thank you so much for helping this [intermission] number.”
Samantala, idinaan na niya sa pagkanta ng isa sa mga awit niya ang mensahe niya para kay Anj.
Aniya, “Each day with you becomes a Valentine.”
Nauna nang ipinakilala ni Martin si Anj sa ginanap na plaque of appreciation ceremony para sa kaniya sa The Forums ng Solaire Resort noong 2022.
Matatandaang si Pops Fernandez ang dating asawa ni Martin ngunit sa kasamaang-palad ay nauwi sa annulment ang kanilang kasal dahil sa isyu ng third-party.