Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Maris Racal ang video clips ng kaniyang pinag-usapang eksena sa patok na action series na "Incognito" habang nakasuot lamang ng bra at panty.
Sinabi ni Maris sa kaniyang Instagram post na hindi siya makapaniwalang ito ang unang eksenang shinoot nila sa day 1 ng kanilang taping sa Baguio.
"i didn’t expect this to be the first scene i’d have to shoot on day 1 of the Baguio leg for incognito. oh well… ang masasabi ko lang ay ANG LAMIG! ," mababasa sa caption.
Matatandaang isa sa mga pumuri kay Maris ay ang komedyante, TV host, at direktor na si John Lapus dahil sa nabanggit na eksena.
Mababasa sa X post ni John, Linggo ng madaling-araw, Pebrero 9, "Napaka bongga mo @MissMarisRacal sa pag takbo ng nakapanty at bra lang nak! #Incognito."