February 11, 2025

Home BALITA National

Couples sa Feb. 14, may libreng ₱100-worth ng 4D lotto tickets; alamin kung paano

Couples sa Feb. 14, may libreng ₱100-worth ng 4D lotto tickets; alamin kung paano
PHOTO COURTESY: Unsplash, PCSO online hub

May handog na libreng ₱100-worth ng 4D lotto tickets ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga couple sa darating na Valentine's Day, Pebrero 14. 

Sa isang anunsyo ng PCSO, magbibigay sila ng ₱100-worth ng 4D lotto tickets sa mga 18-anyos pataas na "mag-asawa, mag-boyfriend/girlfriend, best buddy, or simpleng loved one."

Paano nga ba makuha ang libreng ₱100-worth ng 4D lotto tickets sa Pebrero 14?

Una, lotto playing couples na bibili ng worth ₱40 na 4D lotto tickets sa PCSO Main office sa Mandaluyong simula 9:00 AM. 

National

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero

Pangalawa, lotto playing couples na magpe-present o magpapakita ng kahit anong lotto ticket sa LRT-2 Cubao Station. 

Samantala, bukod sa libreng ₱100-worth ng 4D lotto tickets, magbibigay din daw ang PCSO ng iba pang freebies.