Tila binalaan ni “Pambansang Marites” Xian Gaza ang mga babangga kay showbiz insider Ogie Diaz.
Sa isang Facebook post ni Xian noong Linggo, Pebrero 9, ibinahagi niya ang larawan nila ni Ogie nang magkasama.
“Kung sino ang kakalaban sa taong ito ay paki-consider na rin ako as your kalaban. Salamat,” saad ni Xian sa caption.
Komento naman ni Ogie, “Hahahaha! Kalokah!”
“Finally ay nakapag-bless na ko sa Top 1 ng Pilipinas,” sabi pa ni Xian. “Ikaw po ang aking tinitingala pagdating sa larangan ng tsismis. My idol, the legend, Ogie Diaz.”
Bukod dito, dinepensahan din ng Pambansang Marites ang showbiz-oriented vlog ni Ogie na aniya’y lagi umanong binabash dahil sa mga ini-spluk nito doon ngunit kalaunan ay totoo naman pala.
Matatandaang minsan nang kinuyog si Ogie sa X (dating Twitter) dahil sa natsika niya noong Nobyembre 2023 tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.
MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X