February 11, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie kay Jimmy tungkol sa ABS-CBN: 'Di na nakaupo si Digong, di ka na niya mababak-apan sa narrative mo...'

Ogie kay Jimmy tungkol sa ABS-CBN: 'Di na nakaupo si Digong, di ka na niya mababak-apan sa narrative mo...'

Nagbigay ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa mga "pagkalkal" ng netizen sa lumang Facebook post ng singer, abogado, at senatorial aspirant na si Atty. Jimmy Bondoc patungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, noong 2019.

Sa panahong ito ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, may kung ilang beses niyang binanatan ang Kapamilya Network, at noong 2020, hindi pinahintulutan ng House Committee on Legislative Franchises ang renewal of franchise ng ABS-CBN.

Nito lamang Enero, muling tumapak sa bakuran ng ABS-CBN si Jimmy para kumasa sa "Harapan 2025" na programa ng network para makilatis at makilala pa ang mga kumakandidato sa pagkasenador.

Nabanggit ni Jimmy na muling nanariwa sa kaniya ang mga panahong nagge-guest pa siya sa musical noontime show na "ASAP" bilang bahagi ng grupong "Sessionistas."

Tsika at Intriga

Okay na ba? Andi at Philmar, naispatang kumakain daw kasama ang pamilya

Pinuri din ni Jimmy ang ABS-CBN Entertainment bilang "still the best," at "still the best in the world."

Kaya naman, maging si Ogie ay napa-react na rin kagaya ng pagre-react ng mga netizen, lalo na ang Kapamilya fans tungkol dito.

"Naresibuhan si Jimmy Bondoc, paano yan ngayon?" mababasa sa Facebook post ni Ogie, Linggo, Pebrero 9.

"Ang liit lang ng mundo. Magkikita at magkikita pa din. Kaso, buhay ang ebidensiya. Di na nakaupo si Digong, di ka na niya mababak apan sa narrative mo, Jimmy. Nakakalimutan ng mga tao na ang sinusuportahan nilang nakaupong pulitiko ay hindi naman forever sa pwesto. Pero ang post ay forever nandiyan yan at nakatatak sa puso at isip ng mga tao."

Samantala, muli ring kinalkal ng mga netizen ang lumang video clip naman nang bumanat si Unkabogable Star Vice Ganda habang kinapapanayam ang isang contestant ng "Tawag ng Tanghalan."

"Si Nyoy [Volante], nag-aacoustic, ang naalala namin sa kaniya, siya 'yong puma-falsetto, 'yong lalaking ang ganda-ganda ng falsetto. Si Nina nag-acoustic din dati, ang naaalala namin sa kaniya, siya 'yong sumisipol,. Si Jimmy Bondoc ang naaalala namin siya, 'yong gusto niyang ipasara 'yong ABS, 'yon 'yong naaalala namin sa kaniya. 'Yon na tuloy 'yong naaalala sa kaniya," banat ni Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Jimmy Bondoc pinuri ABS-CBN Entertainment pero netizens, may kinalkal

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Jimmy Bondoc kaugnay sa isyung ito.