February 11, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep
Photo courtesy: screenshot from contributed video/Facebook

Nasakote ng pulisya ang isang 26 taong gulang na lalaki matapos nitong sakalin ang isang 19-anyos na babae at kapuwa pasahero sa loob ng jeep sa Bago Aplaya, Davao City nitong Lunes, Pebrero 10, 2025. 

Ayon sa ulat ng Brigada PH, magkatabi ang suspek at biktima nang mangyari ang insidente. Bigla na lamang umanong sinakal ng suspek ang babae, sa hindi malamang dahilan. 

Sa tulong ng ilang saksi, agad naman daw narespondehan ang biktima at nasukol ang suspek.

Lumalabas sa imbestigasyong problemado raw ang suspek dahil nagluluksa umano ito matapos ang naging pagpanaw ng kaniyang misis. 

Probinsya

CSPC, kumambyo; sinuportahan student journalists laban sa suppression, harassment

Samantala, nakaligtas naman sa naturang insidente ang biktima bagama’t labis umano ang trauma at takot na kaniyang inabot mula sa mga kamay ng suspek. 

Nasa kustodiya na ng Ulas Police Substation ang suspek na nagtamo ng ilang galos matapos pagtulungan ng ilang rumespondeng saksi.