February 11, 2025

Home BALITA Metro

Lalaki, nag-amok sa kalsada matapos maingayan sa busina ng mga motorista

Lalaki, nag-amok sa kalsada matapos maingayan sa busina ng mga motorista
Photo courtesy: Pexels

Arestado ang isang lalaki matapos umanong mag-amok sa gitna ng kalsada sa Divisoria, Maynila. 

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Pebrero 10, 2025, nag-ugat ang insidente ng pag-aamok matapos umanong mairita ang suspek sa ingay ng mga busina sa kalsada habang siya ay nakasakay sa jeep. 

Sa panayam ng media kay PLtCol. Alvin Christopher Baybayan, may nag-ulat umano sa kanila na may lalaking nag-aamok na nagpakilalang miyembro ng pulisya. 

"Ang sabi niya ay mayroon daw pong nagpakilalang pulis na sinusugod sila o sinusuntok sila. Hindi po nagpapigil yung suspek natin kahit pong nagpakilala na pong pulis yun atin pong tauhan. Patuloy po niyang sinusugod yung isang motorista," ani Baybayan. 

Metro

Driver, kinandado misis at anak niya sa container truck sa loob ng 3 araw

Hindi rin umano agad nagpapigil ang suspek sa kabila nang pag-awat ng mga pulisya na sinubukan pa raw mang-agaw ng baril ng pulis. 

Depensa ng suspek, mainit lang aniya ang kaniyang ulo at naingayan lang daw siya sa driver ng motorsiklo. 

"Para naman po siya sir g*go gawa ng yung nauuna sa kaniya yung sinasakyan kong jeep, ay busina po nang busina. Hindi ba po kung matino ang pagkatao mo ‘di ba dapat hindi mo bubusinahan. Sabi ko kung gusto mo magmadali, lagyan mo ng pakpak at paliparin mo," anang suspek.

Itinanggi din ng suspek na inagawan umano niya ng baril ang isang pulis.

"Hindi po talaga. Kasi kung inagaw ko po yun, agaw talaga. Kunyari lang po sir para maging alerto siya na sa kaniya ako," saad ng suspek. 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Moriones police ang suspek na nahaharap umano sa reklamong alarm and scandal, resistance and disobedience to a person in authority, usurpation of authority at direct assault.