March 12, 2025

Home BALITA National

HS Romualdez at iba pa, sinampahan ng kasong 'falsification of legislative documents at graft and corruption'

HS Romualdez at iba pa, sinampahan ng kasong 'falsification of legislative documents at graft and corruption'
Photo courtesy: Balita file photo

Pormal nang inihain sa City Prosecutor sa Quezon City ang kasong isasampa laban kina House Speaker Martin Romualdez at iba pa kaugnay ng kontrobersyal na bicam report, nitong Lunes, Pebrero 10, 2025. 

Pinangunahan ni Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez ang pagsusumite ng kaso laban kina kina House Speaker Martin Romualdez, Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, Zamboanga Rep. Mannix Dalipe at Marikina 2nd district Rep. Stella Luz Quimbo at iba pa kaugnay ng kontrobersyal na bicameral report kaugnay ng 2025 national budget.

Ayon sa ibinahaging kopya ni Rep, Alvarez mula sa kaniyang Facebok post nitong Lunes, pawang 12 counts ng Falfsificsation of Legislative Documemt at paglabag umano sa Anti-Graft and Corruption ang isinampa nila kina Romualdez. 

Kasama ni Alvarez bilang mga complainant sina Senatorial Aspirant Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Ferdie Topacio at Mr. Diego Magpantay, Presidente ng Citizens Crime Watch (CCW).

National

Lumang post ni 'Thinking Pinoy' kinalkal ng netizens

Matatandaang noong Sabado, Pebreo 8, nang ihayag nila ang naturang planong pagsasampa ng kaso laban kina Romualdez upang singilin aniya ang mga ito sa umano'y kriminalidad na ginawa sa bicam report. 

KAUGNAY NA BALITA: HS Romualdez at iba pang mambabatas, isinusulong na kasuhan!