Hindi pa man inaanunsyo kung sino-sino ang mga mapapabilang sa “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab” ay may pinangalanan na agad si Kapuso actress Gabbi Garcia kung sino ang ayaw niyang makapasok sa Bahay ni Kuya.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa “24 Oras Weekend” noong Linggo, Pebrero 9, sinabi ni Gabbi na ayaw daw niyang makasali ang jowa niyang si Khalil Ramos sa patok na reality show.
“Huwag naman si Khalil! Charot!" natatawang sabi ni Gabbi.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Gabbi na handa raw siya kung sakaling alukin siya ni Kuya na maging PBB housemate.
“Pero,” pasubali ng aktres, “as of now the challenge is to host. Doon ako nagpo-focus.”
Matatandaang nito ring Linggo ay opisyal nang inanunsiyo sa All-Out Sunday na si Gabbi ang magsisilbing Kapuso host sa PBB kasama sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez.
MAKI-BALITA: Gabbi Garcia, Kapuso host ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab'