Nakakaloka ang hirit ng isang fanney na nakapanood sa preview ng stage adaptation ng “Anino sa Likod ng Buwan” ni Jun Robles Lana.
Sa X post kasi ng fanney noong Sabado, Pebrero 8, ipinangalandakan niyang nakita raw niya ang notabels ni Kapuso actor Martin Del Rosario, na isa sa mga bumida sa nasabing stage play.
Aniya, “Nakita ko titi ni @mart_drosario. Haha! But seriously, he’s good in his first theater stint via ‘Anino Sa Likod Ng Buwan.’”
“Ang intense niya at shookt ang character niya. This March, panoorin natin sa @petatheater!,” dugtong pa ng fanney.
Pero imbes na magalit, nagkomento pa si Martin sa post ng fanney para magpasalamat!
“Thank you! Haha,” tugon ng aktor.
Matatandaang unang ipinalabas ang “Anino sa Likod ng Buwan” bilang pelikula noong 2015. Pinagbidahan ito nina LJ Reyes, Adrian Alandy, at Anthony Falcon.