February 10, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Lalaki, usap-usapan matapos 'maningil ng utang' sa footbridge

Lalaki, usap-usapan matapos 'maningil ng utang' sa footbridge
Photo courtesy: GMA Public Affairs (FB)

Agaw-eksena ang isang lalaki sa Quezon Avenue-Sgt. Esguerra footbridge sa Quezon City matapos niyang magtaas ng dalawang karatula tungkol sa "utang" at "paniningil."

Batay sa ulat ng GMA Public Affairs, mababasa sa karatula ng lalaki ang "MAGBAYAD KA NA NG UTANG!"

Sa isa pang karatula, mababasa naman ang "MALAPIT NA ANG ARAW NG PANININGIL!"

Hindi naman tinukoy kung sino ang sinisingil niya, o may iba pa siyang pagpapakahulugan sa mga mensaheng nakapaloob sa dalawang karatula.

Human-Interest

Patok na tindero ng fried chicken, ibinahagi sikreto ng negosyo niya

Humamig naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"pahiram at katapusan ay salitang dapat huwag mong paniwalaan..."

"haha..sana di naman ako umabot sa ganito para lng makasingil... hays kakapal tlga kc ng mgagaling umutang..nag bibigay ng depression sa mga taong tumulong lng at napaka daling nalapitan nung nangangailangan cl..ngaun mga di mu n kaibjgan kc mas galit pa cl sau dhl naniningil ka.."

"Parang may mas malalim pang kahulugan yung messages niya hehehe, hindi lang sa utang. Baka sa mga pulitiko yan?"

"Tinutukoy nyan ung binoto Nya nung election na budol,,puro bulsa inaatupag wlang proyekto,,senyales yan na pag nagkamali ng disisyon Ang senado sa impeachment asahan nyo kikilos Ang mga nabudol."

"Kawawa nman si kuya.. kung totoo man yan. Kakapal tlga mukha ng mga bisyo ang pangungutang. Una sa lahat..hindi lang pera ang ibinigay sainyo kundi pati tiwala."

Samantala, hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki.