February 11, 2025

Home SHOWBIZ

Gabbi Garcia, Kapuso host ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab'

Gabbi Garcia, Kapuso host ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab'
Photo Courtesy: PBB, Gabbi Garcia (FB)

Si Kapuso actress Gabbi Garcia ang magsisilbing Kapuso host ng upcoming reality show na ”'Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab.”

Sa latest episode ng “All-Out Sunday” nitong Linggo, Pebrero 9, inanunsiyo ang nasabing balita.

“I’m super excited. Biruin n’yo, magkakaroon ng collab ang PBB. Grabe, this is history. And I’m to be part of history,” saad ni Gabbi.

Dagdag pa ng aktres, “Alam n’yo ba story time, nag-audience din ako sa PBB way back 2012.”

Marvin Agustin, isiniwalat favorite s*x position

Makakasama ni Gabbi sa reality show sina Kapamilya hosts Robi Domingo at Bianca Gonzalez na nauna nang inanunsiyo sa ginanap na contract signing ng ABS-CBN at GMA Network noong Enero 28.

MAKI-BALITA: Robi Domingo, Bianca Gonzalez hosts ng PBB collab; sinong Kapuso stars ang makakasama?

Matatandaang nauna nang ipinahiwatig noong Enero 25 ang isa raw Big Balita tungkol sa nasabing reality show ng ABS-CBN.

MAKI-BALITA: 'Big Balita' ng PBB, hinuhulaan; mapapanood na raw ba sa GMA?

Ang susunod na aabangan, sino-sino naman ang housemates na magmumula sa Star Magic at Sparkle?

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na naging bahagi si Gabbi sa makasaysayang collaboration ng ABS-CBN at GMA Network dahil nakasama siya sa teleseryeng “Unbreak My Heart” noong 2023.

MAKI-BALITA: 'Unbreak My Heart!' GMA, ABS-CBN, at Viu, sanib-puwersa sa isang collab project