Napa-react ang mga netizen sa inilabas na TikTok video ng social media content creator na si Crissa Liaging, patungkol sa umano'y "cheating issue" na kinasasangkutan ngayon ng surfer na si Philmar Alipayo, sa partner nitong actress na si Andi Eigenmann.
Bagama't nasa wikang Bisaya ang content ni Crissa, ang sinasabi raw niya rito, noong siya raw ang na-link bilang "kalandian" ni Philmar noong 2024, ay kung ano-anong masasakit na salita raw ang natanggap niya mula sa bashers.
Pero nang ma-link daw ngayon si Philmar sa "white woman" na girl bestfriend nitong si "Pernilla Sjöö" matapos ang mga rebelasyon ni Andi, ay tila hindi naman daw masyadong naba-bash si ate ghorl, marahil daw, dahil hirap mag-English ang bashers.
Anyways, matatandaang nilinaw na ni Crissa noon na walang malisya ang nag-viral na video nila ni Philmar.
MAKI-BALITA: Babaeng kausap ni Philmar Alipayo sa minalisyang 'viral video,' nagsalita na
MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar