February 08, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Rochelle Pangilinan, natanggap ang kauna-unahang Best Supporting Actress award niya

Rochelle Pangilinan, natanggap ang kauna-unahang Best Supporting Actress award niya
Photo Courtesy: Rochelle Pangilinan (IG)

Nagawaran sa kauna-unahang pagkakataon si dating “SexBomb” dancer at Kapuso actress Rochelle Pangilinan ng Best Supporting Actress award dahil sa kaniyang natatanging pagganap sa historical-drama series na “Pulang Araw” ng GMA Network.

Sa latest Instagram post ni Rochelle noong Biyernes, Pebrero 7, sinabi niyang tila isa raw “surreal moment” ang kaniyang pagkawagi sa 10th Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia 

“My first Best Supporting Actress award—what a surreal moment! Ang award na to ay hindi lang para sa akin, sa lahat ito ng nagtiwala at kumapit kay Tiya Amalia,” saad ni Rochelle.

Dagdag pa niya, “Thank you for embracing her story, her struggles, and her heart. Thank you sa lahat ng sumuporta at nagmamahal sa akin.”

Teleserye

Liza Soberano, open na ulit gumawa ng teleserye?

Nagpaabot naman ng kani-kanilang pagbati ang mga netizen para kay Rochelle. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Congratulations mars!!!! Deserve!!!"

"Aaaah Congratulations po ate Roc !!! ‍‍"

"Tiya Amalia!!! Congrats Ate!!!"

"Ayieeeee congratulations beh, I’m super proud of you!!! Love you "

"Sabi ko sayo eh mapapansin ka din nila sa galing mo d kapa ba mapansin you Deserve this Award @rochellepangilinan ‍‍‍"

"wooohooo!! galing!!"

"DESERVE! Congratulations ate!!"

Matatandaang halos napamura ang netizen sa isang episode ng “Pulang Araw” noong Setyembre 2024 dahil sa ipinamalas niyang husay sa pag-arte.